-- Advertisements --
DA william DAR
Agriculture Secretary William Dar

BAGUIO CITY – Posibleng maitala ng bansa ang record breaking na 19.44-million metric tons na rice production ngayong taon.

Nakasaad sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang actual rice production ng bansa mula January hanggang September ngayong taon ay umabot sa 11.9-million metric tons habang inaasahang 7.54-million metric tons ang maitatalang rice production mula October hanggang ngayong buwan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, magandang balita ito dahil sa kabila ng mga dumaang bagyo na nagresulta sa pagkasira ng aabot sa 419,560 metric tons na palay at ng kasalukuyang pandemya ay mataas pa rin ang naging ani ng mga magsasaka.

Aniya, kung makakamtan ang 19.44-million metric tons na rice production ng bansa ngayong taon ay ito na ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

Rice Palay plant DA farm

Pinakamarami aniyang production ng bigas ay sa Luzon, partikular sa mga rehiyon ng Central Luzon, Cagayan Valley at Ilocos region habang sa Visayas ay sa Iloilo at sa Mindanao ay sa Soccsksargen at Northern Mindanao.

Ayon pa kay Sec. Dar, ang magandang produksiyon ng bigas ngayon ay bunga ng resiliency at kasipagan ng mga magsasaka sa bansa at ng matibay na pagsuporta ng mga LGUs at pribadong sektor sa mga ito.

“We owe this year’s all-time palay production to the resilience and hardwork of our country’s farmers, and strong support of our local government units and the private sector, who altogether contributed to attaining such remarkable feat,” ani Sec. Dar.