-- Advertisements --

CEBU CITY – Nasa kritikal na kalagayan ang isang binata sa Brgy. Guiwanon, sa bayan ng Argao, Cebu, matapos itong binaril ng isang ama nang dahil lang umano sa isyu ng bullying.

Hinahanap ng PNP ang ama na si Ariel Decierdo, 41, na siyang responsable sa pamamaril sa biktimang si Raymond Sarte, 19, at parehong mga residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Chief Master Sergeant Howard Maynopas ng Argao Police Station, na-bully umano si Sarte ng dalawang anak ni Decierdo at nakapaghiganti naman ito.

Nang mapag-alaman ng amang si Decierdo ang ginawa ni Sarte, sumugod ito saka naman binaril ang biktima.

Isinugod kaagad sa pagamutan ang 19-anyos na binata dahil nagtamo ito ng tama ng bala sa kanyang kaliwang dibdib.

Isinasagawa naman ng PNP ang hot pursuit operation upang mahuli ang suspek.