-- Advertisements --
Nahaharap ngayon sa pitong bilang na aggravated mayhem, dalawang bilang na attempted murder at isang bilang ng second-degree robbery ang 19-anyos na ex-convict sa Los Angeles.
Ito ay matapos nitong hiwaan sa mukha ang halos siyam na katao habang nakasakay sa kanyang bisikleta.
Isinailalim kaagad ang suspek na si Lenrey Briones sa kustodiya ng mga otoridad. Hindi rin ito naghain ng plea habang isinasagawa ang initial appearance nito sa Los Angeles Superior Court.
Hindi rin umano sigurado ang mga hukom kung mayroong abogado ang suspek.
Maaari ring humarap sa habambuhay na pagkakakulong ang nasabing suspek.