-- Advertisements --

Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng 19 na mga lugar na tinukoy na isasailalim sa election watchlist areas kung saan pito rito ay validated na mga hotspot areas.

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde may mga violent incidents at intense political rivalry na naitala sa mga nasabing lugar.

Pinangalanan ni Albayalde ang 19 ang mga sumusunod na election watchlist areas sa bansa: Sudipiden; Jones,Isabela; Lemery, Batangas; Roxas, Oriental Mindoro; Balud, Dimasalang, Masbate; Daraga, Albay; Pagadian City, Zamboanga del Sur; Cagayan de Oro City; Hadji Mohammad Ajul, Lantawan, Tipo-Tipo, Marawi City, Sultan Dimalondong; Mamasapano, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha at Datu Unsay.

Sinabi nito Albayalde, bukod sa deployment ng isang batalyon ng Special Action Force (SAF) sa Cotabato City, posibleng magsagawa sila ng realignment sa kanilang mga tropa sa Mindanao.

Samantala, naging mapayapa ang unang araw ng implementasyon ng Comelec gun ban nationwide.

Ito ang naging assessment ni Albayalde kung saan as of 12:00 midnight kagabi, nasa 4,447 checkpoint operations nationwide ang inilatag na nagresulta sa pagkaaresto sa 25 katao at pagkakumpiska sa 27 firearms, 168 rounds of ammunition, seven bladed weapons, 22 gun replica, 70 sachets of suspected shabu, at 2 glass pipe na may marijuana.

Nakapagtala rin ang PNP ng tatlong patay sa checkpoint operations.

Inaasahan naman ng PNP na tataas pa ang bilang ng mga maaaresto na lalabag sa gun ban sa mga darating na araw.