-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umakyat na sa 19 na mga barangay sa lungsod ng Iloilo ang isinailalim sa total lockdown dahil na naitalang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.

Sa unang araw ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Iloilo City, limang barangay ang dumagdag sa listahan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, pinuno ng Public Safety and Transportation Management Office, sinabi nito na kabilang sa mga barangay na isinailalim sa ilang araw na total lockdown ay ang MV Hechanova, Sambag, Lopez Jaena at Lanit sa distrito ng Jaro at Caingin sa distrito ng La Paz.

Hindi maikakaila ayon kay Conlu na kasabay ng transition period sa MECQ, mayroong mga hindi inaasahang pangyayari ngunit ito ay kaagad na nasulusyunan ng Iloilo City Government.

Sa ngayon, patuloy ang pagsasagawa ng relief operations para sa mga apektadong residente.

Noong nakaraang araw, umabot sa 14 na barangay ang isinailalim sa 5-day total lockdown dahil sa naitalang mga COVID-19 cases.
Top