-- Advertisements --

Inireklamo ng Taiwan ang paglipad ng mga military jets ng China sa kanilang air defense zone.

Ayon sa defence ministry ng ng Taiwan hindi bababa sa 19 na mga eroplanong pandigma kabilang ang mga nuclear-capable bombers ang pumasok sa kanilang air defence identification zone (ADIZ).

Mahigit isang taon na aniya ay laging inirereklamo ng Taiwan ang paulit-ulit na missions ng air force ng China malapit sa nasabing isla.

Ilan sa mga eroplanong nakita ay H-6 bombers na may dalang nuclear weapons ganun din ang anti-submarine aircraft.

Magugunitang inaako ng China na ang Taiwan kanilang breakaway province habang iginigiit ng Taiwan na mayroon silang sariling soberenya.