CENTRAL MINDANAO-Isa sa prayoridad ng LGU-Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur ang pagsugpo sa kalakalan ng illegal na droga.
Umaabot sa 19 drug surrenderees ang nagtapos sa reformation program ng Balay Silangan sa Datu Montawal Maguindanao Del Sur. Itoy bilang tulong upang makapagbagong-buhay ang mga nasasangkot sa illegal Drugs ay naglaan ng pondo ang LGU-Datu Montawal at ang tanggapan ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu upang mabigyan ng oportunidad ang mga drug surrenderees na makapagsimulang muli.
Nais ng Pamahalaang Panlalawigan na tugunan ang ugat ng pagkakasangkot ng mga ito sa illegal na droga.Isa na rito ang kawalan ng kabuhayan. Nais ng Inang Gobernadora na matulungan silang buhayin ang kani-kanilang pamilya upang mabigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak na syang magmamana ng kinabukasan ng lalawigan.
Sinabi naman ni Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal na bukas ang lokal na pamahalaan ng bayan na tumulong sa mga nais magbagong buhay ngunit sa mga matitigas ang ulo siguradong may kalalagyan sila sa mahabang pangil ng batas.
Matatandaan na unang naglabas ng shoot to kill order si Mayor Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal sa mga sangkot na indibidwal o grupo sa illegal drug trade lalo na kung itoy manlaban sa mga otoridad.
May karagdagang gantimpala pa sa makakahuli ng buhay o kaya patay sa mga drug traffickers.
Dagdag ni Vice-Mayor Vicman Montawal na wag sayangin ang buhay sa illegal drugs,mamuhay na lamang ng mapayapa at may takot sa Panginoon.
Maliban sa graduation certificate ay tumanggap naman ng pamaskong regalo ang mga drug surrendeerees mula sa LGU-Datu Montawal at kay Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Dumalo sa reformation program graduation ceremony ng 19 drug surrenderees ang mga opisyal ng bayan,militar,pulisya,PDEA-BARMM,PGO Officials at ibang ahensya ng pamahalaan.