Pinangalanan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 19 na kolehiyo at unibersidad na pinasok na umano ng makakaliwang grupo para magsagawa ng recruitment sa mga estudyante.
Ito’y sa layunin patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP assistant deputy chief of staff for operations (J3) B/Gen. Antonio Parlade Jr., halos lahat ng mga paaralan sa Metro Manila ay napasok na ng makakaliwang grupo.
Target ng mga ito mag-recruit ng mga estudyante para sumama sa pagkilos laban kay Pangulong Duterte.
Ang mga nasabing kolehiyo at unibersidad na tinukoy ng AFP ay ang mga sumusunod.
University of the Philippines (UP) Diliman
UP Manila
Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa
Ateneo
La Salle
University of Sto. Thomas
Adamson
Far Eastern University
University of the East (UE) Recto
UE Caloocan
Adamson
Emilio Aguinaldo College
Earist-Eulogio Amang Rodriguez
San Beda
Lyceum
University of Makati
Caloocan City College
University of Manila
Philippine Normal Universityâ€
Sinabi ni Parlade na posibleng hindi alam ng mga school officials ang ginagawang recruitment ng Communist Party of the Philippines (CPP) maliban na lamang sa mga pamantasan na notoryus sa school activism.
Istilo aniya ng mga komunista na magkaroon ng mga film showing at ipinakikita ang masamang sinapit ng bansa sa Martial Law.
Sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga kabataan na sumanib sa CPP.