-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patung-patong na reklamo ang inabot ng 19 na investment scheme sa kamay ng mga nag-reklamong miyembro nito sa National Bureau of Investigation (NBI) sa General Santos City.

Aabot sa higit 700 nagpakilalang miyembro ng naturang mga kompanya ang dumulog sa NBI-Sarangani District Office para magsampa ng kasong syndicated estafa.

Nasa P3-bilyon daw kasi ang nakulimbat ng mga inaakusahang kompanya mula sa kanila.

Ayon sa mga nagreklamo, napilitan silang manghiram ng pera dahil sa mga alok na malaking interes kapalit ng perang ipapasok nila bilang investment.

Kabilang sa mga inirereklamong investment company ang:

-Pulis Paluwagan Movement (271 complainants)
-PRIS CI (65)
-ALAMCCO (47)
-Kabus Padatoon/KAPA (32)
-Golden Barbie
-Take 5
-My Money Max
-Kings Jaguar
-Act of Charity
-Rigen
-Diamond
-5 Star

Kaugnay nito, kinumpirma ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group Region 12 na may syndicated estafa case din na nakahain laban sa isang FMX Financial Investment.