BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa P100,000.00 ang inisyal na danyos sa pagkasunog ng 19 na kabahayan kagabi sa Purok 3, Brgy. Port Poyohon nitong lungsod ng Butuan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Fire Officer 3 kon FO3 Ben Sergio Pelletero sa Bureau of Fire Protection-Butuan, na nagsimula ang apoy sa bahay ni Darwin Dagunuan, 20-anyos, residente dakong alas-11:20 kagabi.
Mabilis umanong kumalat ang apoy at nadeklara ang fireout pasado ala-1:37 na kaninang madaling araw at umabot sa 2nd alarm ang sunog.
Dagdag pa ni Pelletero na may kasamahan silang bombero na na-assign sa Libertad Fire Station na natinik ng umbrella nail na nakilalang si FO1 Daizon Monte na kaagad namangnilapatan ng first aid ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO.