-- Advertisements --

Nasa $19 million ang itinakda ng New York attorney generals para sa settlement sa kaso ni Hollywood producer Harvey Weinstein.

Kinontra naman ng mga abogado ng anim na babaeng nag-aakusa sa 68-anyos na dating film producer at tinawag ang nasabing panukalang deal bilang “complete sellout”.

Ang nasabing settelment ay kailangan pang ma-aprubahan ng federal judge at bankruptcy court.

Ayon kay New York Attorney General Letita James, na ang nasabing hakbang ay nagpapahiwatig na malapit ng matanggap ng mga biktima ang hustisya.

Magugunitang hinatulang guilty si Weinstein noong Pebrero dahil sa kasong sexual assault sa dating production assistant nito na si Mimi Haleyi at panggaghasa sa aspiring actress na si Jessica Mann.

Aabot sa 23 taon na pagkakakulong ang hatol sa kaniya.