-- Advertisements --

Patay ang 19 na kabataan matapos na masunog ang tinutuluyan nilang dormitoryo sa isang paaralan sa central Guyana ng South America.

Naganap ang insidente sa south capital na Georgetown kung saan pawang mga edad 12 hanggagn 17 ang mga biktima.

Karamihan ng mga nag-aaral sa nasabing paaralan ay yung mga hirap sa buhay.

Ayon sa fire department na nasawi sa lugar ang 14 na bikitma habang ang limang iba pa ay sa pagamutan na nalagutan ng hininga.

Nagpapagaling naman sa pagamutan ang nasa 20 ibang mga biktima habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.