-- Advertisements --

Agad na tinulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang 19 na mga overseas Filipino workers na galing sa Lebanon.

Kasama ng mga OFW ang tatlong bata na umuwi sa bansa dahil sa patuloy na tensiyon sa Lebanon.

Ayon sa DMW na nabigyan nila ang aabot sa tig P100,000 ang mga umuwing OFW bilang bahagi ng comprehensive reintegration assistance, at job facilitation services kasama nila ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nagbigay din ng tig P20,000 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay namahagi ng skills training vouchers.

Base sa pinakahuling talaan ng DMW na aabot na sa 1,085 OFWs at 43 dependents mula sa Lebanon ang nakauwi na dahil sa tensiyon sa pagitan nila ng Israel.