Iniulat ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nasa kabuuang 19 na personnel ng Office for Trnsportation Security na isang attached agency ng DOTr ang nasibak simula noong Hulyo 2022 matapos na mahuling nagnanakaw mula sa mga pasahero.
Ayon pa sa kalihim nasa 60 kaso ang kanilang inimbestigahang insidente ng pagnanakaw sa mga paliparan sangkot ang mga empleyado ng OTS.
Ginawa ng opisyal ang naturang pagbubunyag sa budget deliberation sa Senado sa panukalang pondo ng DOTr na P214 billion para sa 2024.
Kabilang sa mga kasong ito ang nangyaring insidente noon lamang Setyembre 8 sa may Ninoy Aquino International Airport kung saan nahulicam ang isang OTS screener sa security camera na umano’y nilulunok ang $300 bills na ninakaw umano nito mula sa isang turistang Chinese national.