-- Advertisements --

Mayroong 16 na lugar sa bansa ang nasa “danger level” ng heat index.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang lungsod ng Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan ay maaring makaranas ng hanggang 44 degree celcius na init ng panahon.

Habang aabot naman sa 43 degree celcius ang inaasahan sa mga lugar ng Sangley Point, Cavite City; Virac, Catanduanes at Butuan City , Agusan del Norte.

Ang mga lugar naman na makakaranas ng hanggagn 42 degrees celcius ay kinabibilangan ng : Echague, Isabela; Iba Zambales; Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City; San Ildefonso, Bulacan; Camiling, Tarlac; Cuyo, Palawan;Roxas City, Capiz; Iloilo City; Panglao International Airport, Bohol; Catarman, Northern Samar at Dipolog, Zamboanga del Sur.

Sa Metro Manila naman ay inaasahan ang 41 degree celcius na temperatura na mararamdaman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay at 40 degree celcius sa Science Garden sa lungsod ng Quezon City.

Ang temperaturang nasa 42 hanggang 51 degree celcius ay itinuturing ngayon ng PAGASA bilang nasa danger category habang ang mga nasa 33 degrees celcius hanggagn 41 degree celcius ay nasa “extreme caution” category.