Aabot sa 19 na lugar sa buong bansa ang makararanas ng dangerous level na heat index ngayong araw.
Batay sa datos ng state weather bureau, maglalaro ito sa 42°C to 44°C
Makararanas naman ng pinakamataas na heat index ang mga sumusunod na lugar;
Dagupan City, Pangasinan – 44°C
Aborlan, Palawan – 44°C
Catarman, Northern Samar – 44°CCBSUA-Pili, Camarines Sur – 43°C
Roxas City, Capiz – 43°C
Dumangas, Iloilo – 43°C
Guiuan, Eastern Samar – 43°C
Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 43°C
Cotabato City, Maguindanao – 43°C
Bacnotan, La Union – 42°C
Aparri, Cagayan – 42°C
Tuguegarao City, Cagayan – 42°C
Iba, Zambales – 42°C
Ambulong, Tanauan Batangas – 42°C
Coron, Palawan – 42°C
Puerto Princesa City, Palawan – 42°C
Virac (Synop), Catanduanes – 42?°C
Iloilo City, Iloilo – 42°C
Davao City, Davao del Sur – 42°C
Metro Manila- 40°C
Samantala, ang Baguio City ang tanging lugar sa bansa na nananatiling may mababang heat index na aabot lamang sa 27°C.
Paalala naman ng state weather bureau sa publiko na ang danger level ng heat index ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke depende sa level ng exposure sa araw.