-- Advertisements --

Patay ang 19 katao matapos na sunugin ang karaoke bar sa West Papua, Sorong, Indonesia.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, bago ang insidente ng sunog ay nagkaroon muna ng kaguluhan kung saan isa ang pinagsasaksak.

Hindi na nakalabas ang 18 katao habang sinusunog ang karaoke bar.

Mula sa magkaaway na grupo ang nagpasimula ng kaguluhan at patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon.