-- Advertisements --

Hindi bababa sa 19 katao ang mga nasawi matapos bumagsak ang military aircraft sa Omdurman, Sudan nitong Martes, local time.

Ayon sa pahayag ng militar, ang Antonov aircraft ay bumagsak habang pa takeoff mula sa Wadi Sayidna air base, saka bumagsak sa isang bahay na matatagpuan sa distrito ng Karrari ng Omdurman.

‘One of our aircraft crashed during takeoff from Wadi Seidna Airport this evening, resulting in several martyrs and injured personnel, both military and civilian,’pahayag ng Sudanese Armed Forces.

Kinumpirma rin ng militar na kasama sa mga nasawi ang ilang matataas na opisyal ng kanilang hanay, mga tahuhan nito at ilang mga sibilyan, ngunit hindi tinukoy kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Ayon naman sa Ministry of Health, dadalhin ang mga labi sa Nau Hospital sa Omdurman.

Habang limang sibilyan, kabilang ang dalawang batang magkapatid ang dinala sa ospital para sa kinakailangang tulong medikal matapos makapagtamo ng sugat.

Samantala mula noong kalagitnaan ng Abril 2023, ang Sudan ay sumasailalim sa matinding digmaan sa pagitan ng hukbong Sudanese at ng Rapid Support Forces (RSF), na nagdulot ng matinding epekto sa mga mamamayan.

Sa tala ng United Nations at mga lokal na awtoridad, higit sa 20,000 katao na ang nasawi at tinatayang 14 milyong tao ang lumikas, na naglalagay sa bansa sa bingit ng pagkawasak.