Nag-iwan ng halos 20 kataong patay ang banggaan ng apat na sasakyan sa labas ng National Cancer Institute sa Cairo Hospital sa Egypt.
Ayon sa Interior Ministry ng Egypt, may isang sasakyang mabilis ang pagpapatakbo sa labas ng ospital hanggang sa nabangga na nito ang ibang pang sasakyan na sanhi rin ng pagsabog.
Maliban sa mga namatay, may 30 indibidwal ang nasugatan.
Patuloy na inaalam ng mga prosecutors ang dahilan kung bakit nagkaroon ng matinding pagsabog sa naganap na multi-car crash at kung galing ba sa mga sasakyan ang mga biktima.
Sa ngayon, lumikas na ang mga empleyado at ilan pang pasyente sa cancer treatment facility ng ospital pagkatapos ng pangyayari.
Nabatid na karaniwan na ang mga road accidents sa Egypt.
Sa tala, nasa 8,000 na salpukan ang naganap noong nakaraang taon kung saan 3,000 ang namatay habang 12,000 ang nasugatan.