-- Advertisements --
Costa Rica map
Costa Rica

Nasa 19 katao ang patay matapos ang pag-inom ng alak na may mataas na level ng methanol sa Costa Rica.

Kinabibilangan ito ng 14 na lalaki at limang babae na may edad 32 hanggang 72 ang mga nasabing biktima.

Nakakumpiska na rin ng 30,000 na mga bote ng alkohol na sinasabing pineke.

Inilabas din ng Ministry of Health ang listahan ng mga alak na may mataas na laman ng methanol.