-- Advertisements --

Pumalo na sa 19 katao ang nasawi matapos ang matinding pagbaha sa southern India.

Maraming kabahayan din ang nasira dulot ng ilang araw na malalakas na pag-ulan sa Kottayam district sa Kerala state.

Gumamit na ng mga helicopters ang mga military rescuers para maghatid ng mga tulong pagkain sa mga biktima.

Isinakay sa mga bangka rin ang mga residente para sila ay ilikas.

Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga masasawi dahil sa marami pa ang naiulat na nawawala.