-- Advertisements --

Patay ang nasa 19 na katao matapos ang banggaan ng trailer truck at bus sa Mexico.

Nangyari ang insidente sa Zacatecas state kung saan mayroong anim na iba pang mga pasahero ang sugatan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na binangga ng bus ang trailer truck na may kargang mga mais.

Dahil sa malakas na pagkabangga ay nahulog pa sa bangin at tumilapon pa palabas ng bintana ng sasakyan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring aksidente.