-- Advertisements --

Nasa 19 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng armadong kalalakihan sa Kabul University sa Afghanistan.

Natigil lamang ang pamamaril matapos na tatlong mga suspek ang napatay ng mga rumespondeng kapulisan.

Nagtamo rin ng sugat ang 22 katao sa nasabing lugar.

Nagsimula ang pamamaril bago pa lamang dumating sa campus ang ilang government officials na dadalo sa pagbubukas ng Iranian Book Fair.

Mariing pinabulaanan naman ng Taliban ang nasabing pang-aatake.