-- Advertisements --

Umabot sa 19 katao ang patay sa naganap na barilan sa pagitan ng mga kapulisan at mga drug cartel members sa northeastern Mexico.

Kabilang sa nasawi ang apat na kapulisan, dalawang sibilyan at 13 hinihinalang miyembro ng cartel drug group.

Nasugatan din ang anim na katao sa sagupaan malapit sa border ng US at Mexico.

Nakumpiska rin sa operasyon ang 14 na sasakyan.

Sinabi naman ni Coahuila Governor Miguel Angel Riquelme Solis na ang nasabing operasyon ay base na rin sa pinaigting kampanya ng kanilang gobyerno laban sa mga sindikato na iligal na droga.