-- Advertisements --

Nakatakdang gawaran ng pagkilala ang 19 Pilipinong beterano ng World War 2 sa isang seremonyang idaraos sa Camp Aguinaldo sa darating na Lunes, Hunyo 10.

Sinabi ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), bibigyan ng United States Congressional Gold Medal ang mga beterano na umalalay sa mga sundalong Amerikano para palayain ang Pilipinas sa kamay ng Japanese Imperial Army noong 1945.

Maliban sa 19 na nabubuhay na Filipino war veterans, mayroon pang 21 Filipino veterans ang pagkakalooban ng posthumous US Congressional Gold Medal.

Ang naturang medalya ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay sa mga indibidwal na may malaking kontribusyon sa isang bansa.