-- Advertisements --

Maaari pa ring umapela sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang 19 pulis na acquitted sa Maguindanao massacre na hindi agad makakabalik sa serbisyo.

Ayon kay PNP spokesperson BGen. Bernard Banac ang 19 na pulis ay sinibak na sa serbisyo dahil sa kasong administratibo kaya hindi sila ma reinstate gaya noong 17 mga pulis na agad makakabalik sa active duty.

Sinabi ni Banac, may karapatan pa rin ang mga nasabing pulis na umapela sa Napolcom.

Ipinauubaya na ng PNP sa Napolcom ang desisyon sakaling aapela ang 19 na pulis.

Sa kaso naman ng 17 pulis hindi na sila kailangan pang umapela para sa kanilang reinstatement dahil mismo ang PNP ang magbabalik sa kanila sa serbisyo.

Kaya maari na agad silang bumalik sa serbisyo subalit dadaan muna sa proseso ang mga ito gaya ng drug testing, medical examination, neuro-psychiatric exam at re-training.