-- Advertisements --
Pinawalang sala ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 104 ang 19 na police officers na sangkot sa pagkapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ang mga sangkot na pulis ay mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8.
Una rito si Mayor Espinosa ay binaril-patay sa kanyang selda noong Nobyembre 5, 2016 sa loob ng Leyte Sub-Provincial Jail habang isinisilbi ng mga otoridad ang search warrant.
Kinumpirma ito noon ng kontrobersiyal na si Albuera PNP chief Jovie Espenido.
Ang mga sangkot sa pagkamatay ng alkalde na pinangunahan ni CIDG head Marvin Marcos at 18 na iba pa ay ikinulong sa CIDG Tacloban.