-- Advertisements --

Tinanggal na sa puwesto ang 19 na kapulisan kasama ang chief of police ng Rodriguez, Rizal.

Kasunod ito ng pagkamatay ng tatlong-taong-gulang na babae sa isang anti-drug operation.

Sinabi ni Police Regional Director Edward Carranza, ilalagay ang nasabing mga kapulisan sa Rizal Provincial Police Office.

Binubuo ito ng 14 personnel mula sa Rodriguez Rizl Police Office at anim mula sa Provincial Intelligence Branch ng Rizal.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad kung sino ang bumaril sa biktimang si Katleen Myca Ulpina ang anak ng drug suspek na si Renato.