BUTUAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag ng Sec. 102 sa The Fisheries code RA 10654 ang 19 na indibidwal na nahuli sa pagpupuslit ng fossilized clams o bagaw ng taklobo sa Surigao City.
Una rito sa tulong ng concerned citizen ay na intercept ng otoridad ang apat na container vans na may lamang aabot sa 40 na toneladang fossilized clams.
Ayon kay Surigao del Norte prov. police director Col. Adolph C Almendra, nanggaling sa iba’t ibang lugar ang nasabing mga bagay at dinala lamang sa lingsod sa Surigao upang ibebenta.
Samantala, nitong Miyerkules ng hapon ay may naharang na namang dambuhalang bagaw ng pulisya sa may Seafarers, Barangay Lipata.
Kaugnay nito, patuloy na mino-monitor ng otoridad ang pinondohan ng clams sa Surigao City habang pinaaalahanan ng local na pamahalaan na iligal ang pagkuha at pagbebenta ng nasabing mga clams.
Liban sa kaso ang mga suspek ay nahaharap sa multang aabot sa P300,000 hanggang sa P3 million at posibleng makulong sa lima hanggang walong taon.