-- Advertisements --

Pumanaw na ang 19-anyos na Jordanian boxer na si Rashed Al-Swaisat matapos ang ilang linggong pagkaka-ospital.

Dinala ang 19-anyos na si Al-Swaisat noong Abril 16 kung saan sumailalim ito ng emergency brain injury matapos mawalan ng malay sa ikatlong round sa laban niya kay Anton Winogradow ng Estonia.

Labis naman ang kalungkutan ng Jordan Olympic Committee sa pagpanaw ng batang national boxer nila.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang International Boxing Association o AIBA sa pagpanaw ni Al-Swaisat.