-- Advertisements --
carlos yulo germany
Carlos Yulo gold medal moments during the 2019 World Championships in Artistic Gymnastics in Stuttgart, Germany

Tulad ng kanyang tinarget, kumpletong medalya ang nasungkit ni Carlos Edriel Yulo mula sa nilahukang pitong events ng artistic gymnastics sa South East Asian (SEA) Games.

Ito’y bagama’t dalawa lamang ang gold mula sa men’s all around category at sa floor exercise.

Kaunting puntos lamang ang pagitan ng nanalong bansa, para sa silver medal ni Yulo sa pommel horse, still rings, vault, parallel bars at horizontal bar.

Sa last day showdown ng men’s artistic gymnastics, naibulsa ng 19-year old 4’11 gymnastics sensation na si Yulo ang pangatlong silver medal sa iskor na 14.700, na malapit lamang sa naka-gold mula Indonesia 14.734.

Habang sa parallel bars, silver uli si Yulo- 14.600 ang score, habang 14.800 ang Vietnam.

Sa horizontal bars, nanguna ang Vietnam sa 13.767 points habang ang Pilipinas ay 13.667.

Sa mga susunod na araw ay may gymnastics pa rin pero rhythmic category na kaya wala na si Yulo, na inaasahang magfo-focus na ng training para naman sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.