-- Advertisements --
Nasa 190 katao na ang nasawi sa pananalasa ng Tropical Cyclone Freddy sa southern Malawi.
Ayon sa Department of Disaster Management Affairs na aabot din sa 584 katao rin ang sugatan habang mayroon 37 na iba pa ang naiulat na nawawala.
Babala naman ng Malawi Ministry of Natural Resources and Climate Change na bagamat humina na ang bagyo ay magdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan.
Maaari pa rin ito na magdala ng pagbaha at magdulot ng malaking pinsala ang mga malakas na hangin.
Itinuturing na gumawa ng record sa kasaysayan ang bagyo dahil sa dalawang beses na ito ng nag-landfall sa pagitan ng dalawang linggo sa Mozambique.