Nangako ang malalaking coal users na mga bansa kabilang na ang Poland, Vietnam at Chile na ihinto ang paggamit ng fossil fuel na pinakamalaking contributor sa climate change.
Ayon sa UK government nasa 190 bansa at organisasyon ang suportado ang naturang inisyatibo habang ilang world’s biggest coal-dependent countries gaya ng Australia, India, China at Amerika ang hindi lumagda sa naturang kasunduan.
Lumagda naman ang nasa 40 bansa sa isang statement na layong i-phase out ang coal power sa taong 2030 para sa major economies at sa taong 2040s para sa mahihirap na bansa.
Naniniwala naman si UK business and energy secretary Kwasi Kwarteng na nakikitaan na posible na mawakasan na ang paggamit ng coal power.
Sa kabila naman ng nakitang progress sa pagreduce ng paggamit ng coal power sa buong mundo, nananatiling nasa 37% ang napo-produce nito sa suplay ng koryente sa buong mundo noong taong 2019.