-- Advertisements --
Halos 2,000 ang panibagong mga kaso ng COVID-19 na naitala ngayon ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH nasa 1,912 ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa dahilan para lomobo pa ito sa 494,605 mula noong nakaraang taon.
Samantala marami rin naman ang naitalang bagong gumaling na nasa 746 pero nasa 40 ang mga nadagdag sa namatay.
Sa ngayon ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ay nasa 5.2% (25,614), habang nasa 92.9% (459,252) na ang gumaling at 1.97% (9,739) ang namatay.
Nilinaw naman ng DOH na ang 14 sa mga kaso na dating nasa recovered patients ay mga nasawi pala matapos ang final validation.
Umabot naman sa pitong mga laboratory ang nabigong makapagsumite ng kanilang data sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).