-- Advertisements --

Kahit unti-unti nang palayo sa teritoryo ng Pilipinas ang bagyong Urduja, libu-libo pa ring mga residente sa apat na rehiyon sa bansa ang nasa mga evacuations center.

Iniulat ngayon ng DSWD na umaabot sa 44,369 families o katumbas ng 191,861 katao ang nananatili pa rin sa 608 evacuation centers sa Regions V, VI, VII at VIII.

Ayon pa sa DSWD nasa 179,858 pamilya o kabuuang 764,017 katao ang naapektuhan naman sa pananalasa ng bagyo sa 1,372 na mga barangays sa Regions V, VI, VII, VIII, at CARAGA.

Muli namang iginiit ng DSWD na sapat ang kanilang relief goods na inihanda para sa mga nagsilikas.

Sa ngayon aniya ay nakapagpaluwal na rin ang kagawaran ng P2,053,381.16 halaga ng tulong na ipinaabot sa mga biktima ng kalamidad.

Sa nasabing halaga ang P828,366.16 ay nanggaling sa DSWD habang ang P1,225,015 ay nagmula naman sa mga LGUs.