-- Advertisements --

Nabawasan na ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng PNP Joint Task Force Covid Shield, mula sa kahapon na 233, bumaba na ito sa 192 ang mga lugar na naka-granular lockdown.

Sinabi ng PNP na sa 192 na mga lugar na naka-lockdown, 126 dito ang kabahayan, 29 ang residential buildings, 23 ang kalye, at 14 ang subdivision o village.

Nagmula sa 152 na barangay mula sa iba’t-ibang lungsod ang mga lugar na naka-lockdown dahil sa kaso ng COVID-19.

Naka-deploy naman ang mga pulis at force multipliers sa lockdown areas upang matiyak na nasusunod ang minimum public health safety standards.

Samantala sa Quezon City, nasa 44 na lugar ang isinailalim sa Special Concern Lockdown dahil sa naitalang Covid-19 cases.

Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.

Mamamahagi ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.