-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kasalukuyang sumasailalim sa tatlong araw na Development Orientation Seminar ang 82 na unang batch ng Indigenous People Mandatory Representatives(IPMRs) mula sa iba’t ibang barangay at bayan ng lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay IP Affairs Focal Person Lito Palma, hinati sa tatlong batches ang pagsasanay na dadaluhan ng 193 IPMRs mula sa probinsya.

Nagpasalamat naman si Provincial IPMR Timuey Arsenio M. Ampalid kay Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa pagbibigay nito ng pagkakataon sa mga IPMRs na matuto lalo na hinggil sa kanilang papel at responsibilidad bilang pinuno ng IPs sa kani-kanilang komunidad at nasasakupan.

Kabilang sa mga tinatalakay at tatalakayin sa tatlong araw na training ay ang sumusunod:

-NCIP IPMR Guidelines

  • IPMRs Accompishment Report Template -Delineation and Titling of Ancestral Domain -Orientation on Free Prior Information Consent (FPIC)

-Orientation on -Ancestral Domain Sustainable Development Plan Program (ADSDPP)

-Orientation on Duties, Functions and Responsibilities of IPs and IPMRs

-Orientation on Republic Act 7160

-IPRA vis-a-vis the Local Government Code: Indigenous Mediation in the Katarungang Pambarangay

-Parliamentary Proceedings and Preparations of Ordinances and Resolution.(