ILOILO CITY – Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 29 sa 196 na mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Region 6 na isinailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test matapos nakasalamuha ng firewoman na nagpositibo sa nasabing sakit.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fire S/Insp. Stephen Jardeleza, tagapagsalita ng BFP-Region 6, sinabi nito na 29 pa lang ang may test results at hinihintay pa ngayon ang resulta para sa iba pang personnel.
Ayon kay Jardeleza, kabilang sa isinalalim sa test ay ang mga personnel mula sa Iloilo City Fire Station at sa regional office.
Ang mga nasabing personnel ay naka-strict home quarantine at naka-facility quarantine habang ang 32 na iba pa ay naka-quarantine sa loob mismo ng opisina.
Sa ngayon, hinihintay pa ang utos ng Department of Health Region 6 kung ano ang maging status ng mga nagnegatibo sa test.