Ipinagkibit balikat na lamang ni 1994 Miss Universe Sushmita Sen ang mga batikos na kaniyang natatanggap.
Ito ay matapos na ibunyag ng 46-anyos na beauty queen turned Bollywood actress na mayroong silang relasyon ng 58-anyos na negosyanteng si Lalit Modi.
Si Modi na siyang founder ng Indina Premier League (IPL) na pinakamayamang cricket competition sa bansa.
Ibinahagi rin ni Modi sa social media ang mga larawan nila ni Sen haban nagbabakasyon sa Maldive.
Pumanaw na ang asawa ni Modi dahil sa cancer noong nakaraang tatlong dekada.
Sinabi ng beauty queen na hinahayaan na lamang nito ang mga batikos sa social media na nagsasabing siya ay “gold digger”.
Hindi naging bukas sa publiko ang mga nakarelasyon ni Sen kung saan siya ay nadawit sa pakikpagrelasyon sa ilang sikat na actor sa India.
Sa ngayon ay mayroon ng dalagang anak si Sen.