-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa kamakailan ang lokal na pamahalaan ng Pikit, Cotabato katuwang ang Municipal Agricultural Office ng isang pagsasanay sa muscuvy duck production.

Sa naturang training, itinuro sa mga kalahok na benepisyaryo ang tamang pag-aalaga at paraan sa pagpapadami ng mga pato na maaaring mapagkukunan ng kita para sa pang-araw-araw na gastusin.

Nasa 100 mga miyembro ng Local Council of Women (LCW), Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) at Rural Improvement Club (RIC) ang nakabenipisyo ng naturang programa kung saan hinati ito sa dalawang grupo bilang pagsunod sa panuntunan sa mass gatherings upang makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19.

Maliban sa pagsasanay, nakatanggap din ang mga kalahok ng sampong pato, net at cracked corn seeds bawat isa bilang panimula sa kanilang magiging pangkabuhayan.

Pinaalalahanan naman ng LGU-Pikit ang mga benepisyaryo na palaguin ang mga natanggap nilang tulong at huwag sana maibenta dahil malaking tulong ito sa kanilang buhay lalo pa at patuloy ang kinakaharap nating krisis dulot ng COVID-19 pandemic.