Nasa 1,000 overseas Filipino workers (OFWs) na ang nagpahiwatig na gusto nilang makauwi sa Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensiyon sa naturang bansa.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, mula sa 1,000 Pilipino doon, kabuuang 356 indibidwal na ang na-repatriate habang may 700 pa na naghihintay na makauwi.
Saad pa ng opisyal, may kabuuang 11,000 ang mga Pilipino sa buong Lebanon kung saan ilan dito ay undocumented.
Ayon pa kay USec. De Vega, wala ng mga Pilipino na nakabase sa border ng Lebanon at Israel subalit may mga Pilipino na mababa sa 100 ang nakabase sa katimugang parte ng Lebanon.
Bagamat iniisip aniya ng ilang Pilipino na nasa Beirut na ligtas sila dahil hindi umano tumatama ang mga missile doon, nais aniya ng ahensiya na nakalikas na sila mula sa naturang lugar sakali man na lumala pa ang gulo doon.