-- Advertisements --
Aabot sa 1,000 pamilya ang magpapaskong walang tirahan matapos sumiklab ang malaking sunod sa isang residential area sa may capulong street sa Tondo, Maynila nito gabi ng Martes.
Kung saan isa sa mga bombero ang nagtamo ng minor injuries habang inaapula ang sunog sa nasabing lugar.
Ayon sa assessment ng Bureau of Fire Protection- National Capital Region, tinupok ng apoy ang nasa 200 kabahayan na nagsimula dakong alas9 ng gabi at umabot sa ikalimang alarma dakong alas-11:02 ng gabi.
Kung saan nasa 20 fire trucks ang kinailangan para maapula ng tuluyan ang sunog.
Idineklarang fire out ito dakong als-2:07 na ng madaling araw ng Miyerkules.
Iniulat din ng ahensiya na nasa tinatayang P1.5 million ang halaga ng danyos dahil sa sunog.