Binigyan ng Embahada ng PH sa Cairo ng tig-$1000 o mahigit P5,000 na tulong pinansiyal ang 11 Pinoy seaferers na lulan ng cargo vessel na tinamaan ng missile attack ng Houthi rebels.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) USec. for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega na mayroon pang karagdagang tulong pinansiyal na ipagkakaloob sa mga Pilipinong tripulante mula sa Department of Migrant Workers- Overseas Workers Welfare Administration pagdating nila dito sa bansa.
Nakatakda ngang dumating bukas ang 11 Pinoy seaferers kabilang ang 1 na nagtamo ng minor injuries.
Samantala, magbibigay din ang Department of Health ng psychological counseling para sa mga seaferer.
Matatandaan, mula sa 15 Pilipinong seaferer na lulan ng Barbados-flagged bulk carrier na M/V True Confidence, nasa 10 ang hindi nagtamo ng injuries at 3 naman ang nasugatan kung saan 2 dito ang nananatili pa sa Djibouti city hospital matapos matinding napuruhan ng tumama ang anti-ship ballistic missile na inilunsad ng Houthis sa fuel tank ng barko habang nasa Gulf of Aden noong Marso 6.
Sa kasamaang palad, 2 Pilipinong seaferer ang nagbuwis ng kanilang buhay dahil sa insidente.