-- Advertisements --
Balik Metro Manila na ang mahigit 100 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na nagsilbing reinforcements sa lungsod ng Cebu upang ipatupad ang mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) mula noong Hunyo 26, 2020.
Matapos ang humigit-kumulang pitong linggo na operasyon, muli silang sinundo ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) para maihatid pauwi ng Maynila nitong araw.
Pagkadaong sa Pier 15, nagsama-sama ang mga miyembro ng PCG at PNP-SAF para magdasal at magpasalamat sa ligtas at maginhawang biyahe sa karagatan.