Patay ang isang drug suspek matapos manlaban sa ikinasang buy bust operations ng mga operatiba ng Police Regional Office-4B Mimaropa habang 13 ang arestado sa ikinasang enhanced managing police operations o ang mas kilalang one time big time operations.
Sa report na inilabas ni PRO-4B regional police director, CSupt. Tomas Apolinario, sa 13 indibidwal na inaresto, anim dito ay dahil sa paglabag sa RA 9165, apat ang wanted sa batas, isa ang lumabag sa RA 9175 at dalawa ang lumabag sa PD 705.
Kinilala ni Apolinaro ang napatay na drug suspek na si Marlon Calica, mga operatiba mula sa Oriental Mindoro Police Provincial Office ang nagsagawa ng buybust operation na nagresulta sa labanan.
Nakatakas naman ang kasama ni Calica na ngayon ay subject sa manhunt operations ng mga pulis.
Nakarekober ang mga pulis sa crime scene ang isang cal .45 pistol, 12 sachets ng hinihinalaang shabu at isang piraso ng P1,000 peso bill na ginamit bilang marked money.
Kabilang ang isang high value target sa anim na indibidwal na inaresto ng mga pulis sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Marinduque Police Provincial Office at PDEA MIMAROPA na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspeks,
Nakilala ang dalawang sa anim na mga suspeks na sina Fernan Limpiada Estano at isang Jayson Malapote Lamboloto.
Sa kabuuan isang caliber .45 pistol ang nakumpiska, 37 sachets ng shabu, 2 units ng STHIL, chainsaw, 320 board feet na mga kahoy na tinatayang may market value na P13,125.00.