-- Advertisements --

Naniniwala pa rin si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na tatanggapin ni Vice President Leni Robredo ang hamon na tumakbo bilang pangulo ng bansa sa 2022.

Kasunod ito sa pag-endorso ng opposition coaliton party ni Carpio na 1Sambayan kay Robredo.

Dagdag pa ng lead convenor ng partido na malinaw ang mensahe kung sino ang nararapat na susunod na pangulo ng bansa.

Hindi aniya nito pinapangunahan ang bise presidente at ipapaubaya na lamang nito ang magiging desisyon niya.