-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpulong ang iba’t ibang komitiba hinggil sa gaganaping 1st 100 Days Accomplishment Report ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ngayong Oktubre 24, 2022, alas diyes ng umaga sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City.

Kabilang sa napag-usapan ay ang mga paghahandang gagawin para sa nasabing aktibidad tulad ng safety and security plan, physical set-up at ang pagpapatupad ng health protocol.

Bahagya rin na tinalakay ni PGO-Managing Consultant Rene P. Villarico ang mga mahahalagang nagawa ng gobernadora sa loob ng unang isang daang araw ng kanyang panunungkulan na nakasentro sa 12-point agenda ng kanyang administrasyon. Nasa naturang pagtitipon din si Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael at mga kinatawan ng iba’t ibang mga departamento ng pamahalaang panlalawigan upang magbigay ng mga updates sa kanilang paghahanda sa naturang okasyon.