-- Advertisements --

Uunahin umanong babakunahan sa unang batch ng COVID-19 vaccine na darating sa Pebrero ang mga medical frontliners sa National Capital Region (NCR).

Pahayag ito ni Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kanyang press briefing sa Malacañang.
Sinabi ni Sec. Nograles na siya ring vice chairman ng National Task Force against COVID-19, ang priority list na ito ay bahagi ng template na nakapaloob sa vaccination program ng pamahalaan kung saan by region at sectoral ang gagawing prioritization sa pagbabakuna.

Ayon kay Sec. Nograles, bagama’t hindi pa napag-uusapan ang detalye ng vaccination program sa Cabinet meeting, plantsado na ito sa ilalim ng task force na pinamumunuan ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Hindi naman masabi pa ni Sec. Nograles kung saang pharmaceutical companies manggagaling ang unang batch ng COVID-19 vaccines na inaasahang darating sa susunod na buwan.