-- Advertisements --

Hindi pa makumpirma ng PNP ang ulat na may namatay na 20-anyos na utility worker ng PNP General Hospital na kabilang sa nabakunahan ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. John Bulalacao, nakipag-uganayan na sila sa PNP Health Service para maimbestigahan ang naturang ulat.

Tiniyak naman ng opisyal na kanila itong isasapubliko sakaling totoo nga na may nasawi na kanilang tauhan.

Una rito, mismong si PNP chief Ronald Dela Rosa ang nagsabi na kaniyang ipinamo-monitor sa Health Service ang mga police personnel at mga civilian employees na tinurukan ng anti-dengue vaccine.

Inamin naman ni PNP chief na maging ang kaniyang kapatid na babae at mga security nito ay nakatanggap din ng bakuna.

Aniya, sa katunayan naging sakitin na ang kaniyang kapatid kaya’t kaniya itong ipinamo-monitor.