Tinanggal ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang isang 1st Class Cadet dahil sa kasong maltreatment o pananakit sa kanyang kapwa kadete.
Ayon kay PNPA Director, P/MGen. Eric Noble, pinatawan ng expulsion ang hindi na pinangalanang kadete matapos siyang ireklamo ng isang plebo o 4th Class dahil sa pananakit.
Kwento umano ng biktima, sinikmuraan siya ng suspek habang siya ay pinagsasabihan.
Agad namang inimbestigahan ito ng PNPA at natukoy ng PNPA Cadet Disciplinary Board na nagkasala ang suspek, matapos ang mahaba-habang pagsusuri sa mga nakuhang ebidensya at salaysay, hanggang sa tuluyan siyang tinanggal o pinatawan ng expulsion.
Sinabi pa ni Noble na naghain din ng Motion for Reconsideration ang inirereklamong Kadete ngunit ibinasura naman ito ng PNPA Board.
Pagtitiyak ni Gen. Noble na hindi nila kokonsintihin ang anumang uri ng karahasan sa hanay ng kanilang mga kadete.
Siniguro din nito ang pagpapanatili sa integridad at disiplina ng lahat ng miyembro ng PNPA-